Minor de edad na ibinugaw umano sa pari

Minor de edad na ibinugaw umano sa pari,  unang nahuli dahil sa paglabag sa curfew.

Isinailalim na inquest proceeding ang inarestong pari matapos maaktuhan na may kasamang 13-anyos na babae sa sasakyan na ibinugaw umano ng isa ring minor de edad. Paniwala ng social welfare officer ng Marikina, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkasama ang dalawa.

Sa ulat ni Ivan Mayrina sa GMA News "State of the Nation with Jessica Soho" nitong Lunes, sinabing nahaharap si Monsignor Arnel Lagarejos sa reklamong paglabag sa Anti Trafficking in Persons Act.

Bagaman na-inquest na, hindi pa rin inihaharap ng pulisya sa media si Lagarejos, na parish priest ng Saint John the Baptist Church sa Taytay, Rizal.

Nabisto ang ginagawa umano ng pari nang mahuli noong isang linggo ang dalagitang biktima na itinago sa pangalang "CPA" dahil sa paglabag sa curfew ng Marikina.

Nang isailalim sa counseling, napag-alamang ibinubugaw umano niya ng mga kaibigan.

"Sa disclose ng bata hindi po ito ang first time niya na nakasama ang perpetrator," ayon kay Shelly Mae Mondano,  Marikina social welfare officer.

Dahil dito, nagkasa ng entrapment operation ang Marikina police nang nagkasundong magkikita ang pari at ang bugaw umano ni "CPA" noong Biyernes sa isang mall sa Marikina.

Ayon kay Senior Superintendent  Roger Quesada, hepe ng Marikina Police, hindi nila alam na pari si Lagarejos nang madakip.

"Hinold na ng mga operatiba ang sasakyan ng suspek hanggang naimbitahan natin sa presinto, with that hindi naman natin alam na pari siya hanggang sa kalaunan nga po," paliwanag ni Quesada.

May nakuha rin umanong baril mula sa SUV ni Lagarejos pero may lisensya umano ito at may permit to carry.

Nasa pangangalaga na ng DSWD si "CPA" at ang menor de edad na bugaw.

Habang nagsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Simbahang Katolika, inalis na si Lagarejos bilang parish priest at bilang presidente ng Cainta Catholic College. -- FRJ, GMA News

WATCH: PARIS PRIEST BOOK 2 TIMES TO A MINOR AGE GIRL

No comments:

Post a Comment